Santa Catalina ng Siena

Madre

Kilala rin bilang: Doktor ng Santa Iglesya

Kapanganakan: 1347

Kamatayan: 1380

Araw ng Kapistahan: 29 Abril

Si Catalina (Catherine) ay anak ng isang mahirap na angkan sa Siena, Italya, na isinilang noong 1347. Ibig ng kanyang mga magulang na ipakasal siya sa isang lalaking mayaman, ngunit tumanggi siya sa dahilang ang kanyang esposo ay si Cristo. Siay ay gumawa ng panata o voto na hindi mag-aasawa: ang kanyang pagkabirhen au inilaan para sa Panginoong Diyos.

Si Catalina ay pumasok sa Orden Tercers ni Santo Domingo, pagkaraan ay naging madre o relihiyosa Dominica. Nagkaroon ng maraming tukso laban sa kalinisan at sa pananampalataya, na kanyang nilabanan sa bias ng pagdedebosyon sa Mahal na Birhen at sa malimit na komunyon. Naging bantog siya sa kanyang mga sulat at aklat. Tinawagan ng pansin ang mga Papa, obiso, at pari upang ipagtanggol ang tunay na aral ng panginoon at pairalin sa Santa Iglesya ang mga simulain ng Kristiyanismo na noon ay nagliligalig dahil sa mga gulo sa pamahalaan at sa Santa Iglesya.

Si Catalina ng Siena ay namatay noong 1380. Kinikilala siyang Doktor ng Santa Iglesya.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a comment