Tagay

Posted by

Gabi na naman, natutulog na ang araw,

Di magtatagal ako ri’y magpapahinga na,

Ngunit bago matulog, ako muna’y tatagay

Sa isang maliit na kupita, bago magpahingalay.

 

Mabagsik ang alkohol nitong aking tagay,

Sa bawat pagtutuos, milyon ang pinapatay,

Kahit gumuguhit at kumakagat sa lalamunan,

Tutunggain pa rin, ‘pagkat kinakailangan.

 

Huwag kang mabahala, sa aking adiksiyon,

Ang tagay kong tangan ay isang solusyon,

Ito’y imumumog muna at saka ko ibubuga,

Sa tagay kong mouthwash, tumba ang baktirya.

 

One comment

Leave a comment