Isinusulong ngayon sa Senado ang isang panukala para otomatikong isailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests ang lahat ng mga manggagawang kabilang sa tinatawag na ‘vulnerable sectors’.
Sa ilalim ng Senate Bill number 1535 o ang Crushing Covid Act na isinumite ni Sen. Sonny Angara, nakasaad dapat gawing prayoridad ng pamahalaan na ma-itest ang mga sumusunod na manggagawa, at indibidwals:
- Health care workers
- Embalsamador
- Buntiss
- Mga empleyado sa groceries, supermarkets at public markets
- Manggagawa sa pabrika
- Food handlers
- Construction workers
- Security guards at drivers
- Mga personnel sa bangko, at transfer fund facilities
- Laundry shop workers
- Caregivers
- Mga nasa unipormadong hanay
- Media workers
Otomatiko din dapat na isailalim sa COVID-19 ang mga manggagawang mayroong diabetes, altapresyon, pulmonary diseases, at cancer.
Giit pa ng senador, dapat din na sagutin ng PhilHealth ang gastusin para sa mga COVID-19 tests.
Aniya, hanggat hindi kasi nagsasagawa ang pamahalaan ng mass testing ay mahihirapan ang pamahalaan na labanan ang COVID-19.