US, muling nakapagtala ng record high na mga bagong kaso ng COVID-19

Muli na namang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos.

Batay sa datos ng John Hopkins University, nasa kabuuang 67,632 new cases ang naitala ng nasabing bansa nito lamang Miyerkoles, July 15, 2020.

Bunsod nito, nasa mahigit 3.49 million na ang kaso ng COVID-19 sa US kung saan 137,420 ang namatay habang nasa mahigit 1.07 million naman ang recoveries.


Nabatid na naglalaro lamang sa pagitan ng 55,000 at 65,000 ang naitatalang mga panibagong kaso ng COVID-19 sa Amerika sa loob lamang ng 24 oras sa nakalipas na sampung araw .

Facebook Comments