Kapag “comfort food” ang pinag-uusapan, agad-agad pumapasok sa isip natin ang masasabaw na pagkain, mga nakapagpapainit sa tiyan at damdamin. Sinigang na Baboy. Champorado. Nilagang Baka. Oh yeah. Ang tuyo ba na ulam ay pwede rin ba maging “comfort food”? Oo naman. Para sa akin, isa na rito ang Giniling na Karne ng Baka na may Itlog ng Pugo (Ground Beef with Quail Eggs).
Luto ito ng asawa ko. Laging masarap ang kanyang timpla sa karne. Alam ko ang mga sangkap ng potahe na ito, pero hindi ko makuha ang kanyang timpla. Mas masarap talaga magluto asawa ko sa akin!
Maaari niyo itong gawing masmakulay sa pamamagitan ng pagdagdag ng iba’t ibang gulay — sitaw, mais, karot, etc. Pero okay na ako sa ganitong luto — sibuyas, bawang, itlog ng pugo, bakang na-“marinade” sa toyo/liquid seasoning, asin, paminta. Simpleng-simple lang ang ulam na ito pero mayaman sa linamnam!
At kahit tuyo, napaiinit din niya ang aking tiyan at damdamin. “Comfort food” nga eh! Sana’y makapagluto ulit ang asawa ko nito. Nagutom ako sa pagtingin ulit sa litrato eh.
Ito ang aking kontribusyon sa Litratong Pinoy ngayong linggo. Ang tema ay: “Tuyo” (Dry).
Mauie
July 16, 2009 at 9:10 am (15 years ago)Nakakatakam naman. Mas talented nga raw talaga ang mga lalaki sa kusina. Ewan lang kung papayag ang mga kababaihan.
Eto ang aking tuyong comfort food din ngayong Hwebes: http://www.maureenflores.com/2009/07/litratong-pinoy-tuyo-dry.html
.-= Mauie´s last blog ..Litratong Pinoy: Tuyo (Dry) =-.
witsandnuts
July 16, 2009 at 11:58 am (15 years ago)Bigla kong namiss ang quail eggs. Pwede rin ilagay sa adobo, tuna salad, etc. =)
Willa
July 16, 2009 at 12:36 pm (15 years ago)ang sarap naman niyan!
mahilig ka palang mag picture ng pagkain, invite na rin kita sa Food Trip Friday Food Photo Meme.Madali lang, mag post ka lang ng kahit anong pagkain every friday.Thanks!
.-= Willa´s last blog ..LP#33:Tuyo (Dry) =-.
Zeee
July 16, 2009 at 1:24 pm (15 years ago)ang sarap naman! and it’s sooo sweet na pinaglutuan ka… my hubby also cooks for me because i’m not much of a cook…LOL
.-= Zeee´s last blog ..TWTW: Road to Nowhere =-.
an2nette
July 16, 2009 at 1:30 pm (15 years ago)wow, mukhang masarap yan, magaya nga kaya lang bihira itlog ng pugo dito sa germany, bigla akong ginutom, suwerte mo naman sa hubby mo magaling magluto, nice shot
.-= an2nette´s last blog ..Litratong Pinoy- Basa (Dry) =-.
julie
July 16, 2009 at 2:18 pm (15 years ago)awww, ang sweet naman ni hubby mo Mukhang masarap nga.
.-= julie´s last blog ..Tuyot na Tag-Init =-.
Thess
July 16, 2009 at 3:18 pm (15 years ago)Cooked from the heart pa, o di ba? Alagang alaga kayo ni Timmy ng daddy nya, how sweet!
give me a plate of this with steamed rice, please?
.-= Thess´s last blog ..Tuyo (dry) L.P. 66 =-.
iris
July 16, 2009 at 4:32 pm (15 years ago)mukhang masarap nga yan! hay, nakakagutom
.-= iris´s last blog ..where art thou? [i vs p] =-.
Yami
July 16, 2009 at 5:25 pm (15 years ago)Naalala ko asawa ko nang minsang pagprituhin ko ng hotdog. Hay natuyot ang pobreng hotdog…but he tried his best naman. Mukhang masarapa ang comfort food na ‘yan. Pwede bang makahingi ng recipe nito, hehe. sana di sikwet. 😉
.-= Yami´s last blog ..Litratong Pinoy: Tuyo (Dry) =-.
arls
July 16, 2009 at 6:15 pm (15 years ago)parang ang sarap nyan!!!! hehehe
Happy LP! Salamat sa bisita!
.-= arls´s last blog ..LP: Tuyo (Dry) =-.
luna miranda
July 16, 2009 at 7:23 pm (15 years ago)‘kala ko nakakatuyo ng damdamin (hehe). mukhang masarap!
.-= luna miranda´s last blog ..Litratong Pinoy: tuyo [dry] =-.
ajay
July 16, 2009 at 10:12 pm (15 years ago)Giniling ba yan? Favorite ko yan..waaah!
.-= ajay´s last blog ..Crabstick omelette bento =-.
karmi
July 16, 2009 at 11:36 pm (15 years ago)hay, sarap namang lumibot sa LP ngayon. panay pagkain! 😀 hehehe
at isa pa po ito sa masarap na lahok!! ^_^ masarap na comfort food nga po yan =)
.-= karmi´s last blog ..Q-tex =-.
kayni
July 17, 2009 at 1:10 am (15 years ago)wow…this is one recipe i’d like to try. never tasted this.
jeanny
July 17, 2009 at 1:39 am (15 years ago)pwede pwede…extra rice na rin dito
Happy LP!!!!
.-= jeanny´s last blog ..A repost: (sing) If you look inside your heart =-.
Marites
July 17, 2009 at 9:01 am (15 years ago)tagal ko nang hindi nakakakain ng itlog ng pugo. ang sarap-sarap ata ng pagkaluto ng asawa mo, nakakagutom ang litrato.
.-= Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#59 Tuyo (Dry) =-.
Rico
July 17, 2009 at 10:38 am (15 years ago)Uuy! You’re doing LP again! Good to have you back.
.-= Rico´s last blog ..LP016: Tuyo (Dry) =-.
Pinky
July 17, 2009 at 10:50 am (15 years ago)Mukhang masarap nga! At ang sweet naman ni mister para ipagluto ka! Hinay hinay lang sa quail eggs at sobra daw ang cholesterol ng mga ito 😉 Take care and God bless!
.-= Pinky´s last blog ..LP #66: Tuyo (Dry) =-.
caryn
July 17, 2009 at 11:07 am (15 years ago)ang sarap naman nyan! hm, love love quail eggs!
.-= caryn´s last blog ..birthday giveaway =-.
iska
July 18, 2009 at 5:31 am (15 years ago)sa litrato pa lang ay mukha na syang masarap, Toni!
.-= iska´s last blog ..Tuyo =-.
teys
July 19, 2009 at 4:11 am (15 years ago)kakaibang food naman ang nakita ko ka-lp ang bait din naman ni mister, mahilig magluto 😀
hapi lp!
http://teystirol.com/2009/07/16/lp-tuyo
.-= teys´s last blog ..LP-Tuyo =-.
ces
July 19, 2009 at 11:47 am (15 years ago)we asre so lucky to have good cook hubbies!:) dko sure if nakatikim na ako nito, pero mukhang masarap:) magawa nga:) kapag nakakita ako ng quail eggs:)
.-= ces´s last blog ..Lasang Pinoy, Sundays : Crusty =-.